Powered by Blogger.

01 May 2005

Ang ABA GINOONG MARIA sa Iba't Ibang Wika

Marubdob ang debosyon ng mga Pinoy kay Maria. Bukod sa Flores de Mayo, nariyan ang pagnonobena sa Ina ng Laging Saklolo tuwing Miyerkules, ang pagdarasal ng rosaryo kapag Oktubre, at ang maringal na prusisyon ng Inmaculada Concepcion sa Disyembre. Marami pang ibang paraan natin siyang pinararangalan, pero isang dasal ang nagbubuklod sa atin – ang “Aba Ginoong Maria” o “Hail Mary”.

Sama-sama nating tunghayan at bigkasin ang luma, subalit walang kupas na dasal na ito sa iba’t ibang wika o diyalekto sa ating bansa.










Filipino
(Ang pambansang wika ay naka-base sa diyalektong Tagalog. Sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal maraming simbahan ang itinalaga kay Maria: Basilica of the Immaculate Conception/Manila Metropolitan Cathedral sa Intramuros, National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City, Our Lady of Peace Shrine sa EDSA, at National Shrine of Our Lady of La Naval sa Quezon City. Ang “Aba Ginoong Maria” ay kinakanta na rin, salamat kina Fr Hontiveros, Fr Francisco, at Prof San Pedro.)



Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Jesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.







Latin
(Latin ang opisyal na lengwahe ng Banal na Simbahan at siyang wika sa Misa at iba pang dasal noong panahon ng ating mga ninuno. Sa ngayon meron pa ring ilang awiting pansimbahan na nasa Latin gaya ng “Salve Regina”, “Tantum Ergo”, at “Panis Angelicus”. Ang “Ave Maria” ay nilapatan ng musika ng mga kilalang musikero gaya nina Bach, Gounod, at Schubert.)

Ave Maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus et benedictus fructus ventris tui Jesus.

Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc, et in hora mortis nostrae. Amen.







Kapampangan
(Tanyag ang lalawigan ng Pampanga sa mga luma subalit naggagandahang simbahan. Sa Barrio Baliti, San Fernando, Pampanga matatagpuan ang dambana ng Virgen de los Remedios.)
Bapung Maria, mipmu qa ning gracia Yng Indung Diyos atyu keka Nuan ka kareng sablang babae At nuan ya yng bunga ning atyan mu, y Jesus.

Santa Maria, Yndu na ning Diyos,Panalangin mu kami ngang makasalanan,Ngeni at quing oras na ning kamatayan mi. Amen.






Kastila
(Isang makapangyarihang bansa noon ang España kung kaya marami siyang nasakop na bansa gaya natin. Bukod sa kanilang wika, isang tanyag nilang pamana ay ang pananampalatayang Kristiyano. Kilalang-kilala ng ating mga lolo’t lola ang “Dios te salve” dahil inaawit ito tuwing Santacruzan at Flores de Mayo.)

Dios te salve, Maria, llena eres de gracia, el Señor es contigo. Bendita tu eres entre todas las mujeres y bendito es el fruto de tu vientre Jesus.

Santa Maria, Madre de Dios, ruega por nosotros, pecadores, ahora y en la hora de nuestra muerte. Amen.







Ingles
(Pangalawang wika natin ang Ingles. Isang “marketing tool” ito ng mga Pinoy na nasa ibang bansa. Sa ilang simbahan dito sa England, mapapansin ang “Lady Chapel” – isang espesyal na dambana para sa Mahal na Ina kung saan nagtitirik ng kandila o nag-aalay ng bulaklak o panalangin ang mga tao. Isa ring gawi dito ay ang pagbigkas ng “Hail Mary” sa “Bidding Prayers” o Panalangin ng Bayan tanda ng pagpupugay kay Maria, Ina ng Simbahan.)

Hail Mary, full of grace, the Lord is with you. Blessed are you among women and blessed is the fruit of your womb Jesus.

Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen.








Bicolano(Ito ang diyalekto ng mga kababayan nating taga-Region 5: Albay, Camarines Norte/Sur, Catanduanes, at Sorsogon. Kilala ang mga Bicolano sa pagiging relihiyoso. Tuwing Setyembre, nagpupugay sila sa Birhen ng Peñafrancia na mas kilala sa tawag na “Ina”.)

Tara Cagurangnan Maria pano ca nin gracia, an Cagurangnan tan Dios yaon saimo; pinaorog ca carahay sa magna babaye gabos, asin orog pa carahay an saimong mahal na Aquing si Jesus.

Santa Maria, Ina nin Dios, cami an macasalan, ipamibi mo cami gnonian asin sa paghignagdan niamo. Auot pa.









Bisaya(Bisaya ang nag-uugnay sa mga taga-Cebu, Bohol, Leyte, at ilang probinsya ng Mindanao. Kilalang destinasyon sa Cebu City ang Santo Niño Cathedral, isang malaking simbahang itinayo sa karangalan ni Jesus, anak ni Maria.)

Maghimaya ca Maria nga pono ca sin gracia, an Guinoo nga Dios aada sa imo. Guindadayao ca labi sa mga babaye ngatanan; ngan guindadayao man an imo Anac nga si Jesus.

Santa Maria, Iroy sa Dios ig-ampo mo cami mga macasasala, niyan ngan sa horas sa amon igcamatay. Amen Jesus.








Bontoc
(Ang salitang ito ay katumbas ng “bundok”. Salita ito ng mga Pinoy na nasa Mountain province, Benguet, Ifugao, at Kalinga-Apayao. Sa Baguio City matatagpuan ang Our Lady of Lourdes grotto. Para makapunta sa altar ng Birhen, kailangang umakyat ang bawat deboto sa maraming baytang ng hagdan na inukit sa bundok.)

Ave Maria, ay napnoka isnan Gracia; nan Chios wad-ay ken Sik-a; Sika-a nan bendita isnan kavfafafafai; ya bendito nan Fekhas nan Awakmo ay si Jesus.

Santa Maria, ay Inan nan Chios, itakchegmo chakami ay fomafasol, adwani, ya isnan pachong nan katteyanmi. Amen.







Ilocano(Ilocano ang siyang ginagamit na salita ng ating mga “kabsat” sa Ilocos Norte/Sur, Abra, La Union, at ilang bahagi ng Pangasinan, Nueva Ecija, at Tarlac. Isang tanyag na dambana ang mga Iloko kay Maria ay ang Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan.)

Ave Maria, napno ka ti gracia, ni Apo Diyos ti adda kenka. Sika ti nangruna a bendita iti amin a babbai, ket bendito met ti bunga ti tiyan mo a ni Jesus.

Santa Maria, nga ina ti Diyos, ikararag mo kami amin a managbasul, ita ken intono oras ti ipapatay mi. Amen.








Ilonggo
(Tinatawag ding Hiligaynon, ang Ilonggo ay siyang diyalekto di lang ng mga taga-Iloilo kundi pati ng mga nasa Aklan, Antique, Romblon, Negros Occidental, Guimaras Islands, at ilang parte ng Mindanao. Sa Agtalin Hills, Pilar, Capiz matatagpuan ang isang malaking estatwa ng Our Lady of the Miraculous Medal na dinadayo ng mga deboto.)

Maghimaya ka Maria, puno ka sang grasya Ang Ginoo yara sa imo, ginadayaw ka labi sa mga babayi nga tanan Ginadayaw man ang bunga sang imo tiyan nga si Jesus.

Santa Maria Iloy sang Diyos, ig-ampo mo kami nga makasasala Niyan kag sa oras sang amon ikamatay. AMEN.







Ibanag
(Ibanag ang salita ng mga Cagayan province at Isabela. Sa Tuguegarao matatagpuan ang Our Lady of Piat na lalong kilala sa tawag na “Yena Tam Ngamin” o “Ina nating lahat”.)


Dios niko Maria napannu ka ta grasya y Yafu Dios ega nikaw marayao ka ngamin ta babbay anna marayao y vunga na sam mu nga Jesus.

Santa Maria yena na Dios ipaddasal kami nga minattagaruli sangaw anna noka pa ta oras na pate mi. Amen.










Taus-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot kina Vladimir Reyes, Hyacinth de los Santos, Rick Valdes, Al Francis Reyes, Raniel Yambao at Arnold Vidar sa kanilang pagtulong sa proyektong ito. Patuloy pa rin kaming tumatanggap ng iba pang bersyon ng “Aba Ginoong Maria”.

- Pietro Bernardino S Albano



No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP