Powered by Blogger.

01 May 2005

Reyna ng Barangay 170


Tanging ang Mahal na Birhen ang nag-iisang reyna para sa mga mamamayan ng Barangay 170 ng Gagalangin, Maynila. Ito ay pinatutunayan ng sari-saring parangal na ipinagkakaloob nila sa Mahal na Ina, lalo't higit tuwing sumasapit ang Buwan ng Santo Rosaryo, kung saan araw-araw na iniiikot ang imahen ng Ina ng Santo Rosaryo, na pag-aari ni Ginoong Roberto Isip, sa iba't ibang bahay upang pagpugayan ng bawat pamilyang dinadalaw nito.

At sa pagdating ng katapusan ng buwan ng Oktubre, isang maringal na Living Rosary at prusisyon naman ang idinadaos sa piling lugar sa Barangay.

Ang debosyong ito sa Mahal na Birhen ay pinasimulan ng noo'y Kagawad na si Pietro S. Albano at hanggang sa ngayon ay ipinagpapatuloy ni Chairman Benifredo Basa at ng Queen of Families Group sa pangunguna ni Sis. Lucita Lina. (MkF)









Photos courtesy of MRS. AIDA S. ALBANO

1 comment:

wadlyhackmann said...

PokerStars Sportsbook - JTM Hub
PokerStars is the 전라북도 출장안마 world's largest sports 보령 출장안마 betting operator, making it 창원 출장샵 the world's largest online sports betting company. The 하남 출장샵 PokerStars platform is powered by 수원 출장샵 the global PokerStars

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP